Friday, April 16, 2010

My Right to Vote is NOT for Sale!


Habang papalapit ang 2010 national elections, samu't saring mga grupo, kilusan at kawsa ang namamayagpag sa ere ng opinyon publiko. Lahat sila'y pilit humahatak ng pansin at suporta..... Lahat sila'y para 'sa pagpabagong anyo ng lipunang Pilipino".

Subalit, masarap man pakinggan ang lahat na mga kawsa na 'yan ---noon pa man napakinggan na natin ang mga 'yan, pero pagdating ng aktwal na halalan, ang nangingibabaw pa rin ay armas, pera at lahat na uri ng pangga-gantso sa mga botante.

Sa pamamagitan ng GRUPO na ito --anumang grupo o sinuman ang inyong mga kandidato, lahat tayo'y mga Pilipino pa rin na kinakailangang MAGKAISA at manindigan na may prinsipyo at dangal. Taas noong isigaw natin "My Right to Vote is NOT for Sale!"

Sa GRUPO na ito maaring kayong mag-post ng kahit anong promotion ng inyong grupo (sa wikang filipino, english o anumang lenggwaheng pinoy) lamang magkaunawaan tayo sa adhikaing isulong ang demokratikong adhikain ng sambayanang Pilipino!

Add this group here


Share

No comments:

Post a Comment